Upang masolusyunan ang pagbaha sa buong Metro Manila, nakipagpulong ang Pamahalaang Lungsod sa San Miguel Corporation (SMC) patungkol sa proyektong paghuhukay at pagpapalalim ng mga ilog na nakapaligid sa Quezon City.

Personal na dinaluhan nina Mayor Joy Belmonte, District 1 – Action Officer Ollie Belmonte, Atty. Dale Perral at Department of Sanitation and Cleanup Works of QC Head Richard Santuile, City Engineer Atty. Dale Perral at Atty. Jing Jing De Castro ng SMC ang pulong.