Nakipagpulong ang Quezon City Government sa Ayala Land Inc. at Megawide Construction para sa pagtatayo ng in-city housing para sa mga residente ng Sitio San Roque.
Titiyakin ng lungsod na may maayos na lilipatan ang mga residente, na maaapektuhan ng isinasagawang development sa lote ng Ayala Land sa Barangay Bagong Pag-asa.
Tutulong din ang lokal na pamahalaan sa Ayala Land at Megawide para mas mapabilis ang proseso ng pagtatayo ng mga multi-storey building na target matapos sa March 2028.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa pulong, kasama sina City Legal Officer Atty. Carlo Austria, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Atty. Jojo Conejero, Chief of Staff Rowena Macatao, at mga kinatawan ng Ayala Land Inc. at Megawide.









