Nakipagdayalogo si Mayor Joy Belmonte kasama ang mga Bangsamoro Leaders sa Lungsod Quezon at hinimok ang muslim community leaders na maging bahagi ng city development council upang makapagtalaga sila ng kinatawan at magkaroon ng aktibong partisipasyon sa pagbuo at pagbalangkas ng mga polisiya at programa ng pamahalaang lungsod.

Kasama ng alkalde sina Col. Jameel Jaymalin at Mr. Ustadz Marneld Indasan ng QC Bangsamoro Affairs Service.