Nakipagpulong ang mga opisyal ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa lokal na pamahalaan upang talakayin ang “financial literacy” na nais nilang isagawa sa mga residente ng Quezon City.
Tinalakay ni Mayor Joy Belmonte ang mga proyekto ng lungsod at kung sa anong sektor maaring tumulong ang BPI.
Kasama ng alkalde sina Chief of Staff Weng Macatao, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Social Services Development Department Welfare and Relief Division head Carol Patalinhog, at Small Business and Cooperative Development and Promotions Office Development Management Officer Erica Beatrice Juanson.