Buo ang suporta ni Mayor Joy Belmonte sa pagsasaayos ng Bantayog ng mga Bayani bilang dagdag na open space at museo na maaring bisitahin ng QCitizens sa Lungsod Quezon.

Nakipagpulong ang Alkalde kasama ang mga kinatawan ng Bantayog ng mga Bayani Foundation sa pangunguna ni Executive Director Cristina Rodriguez.

Ilan sa mga isasaayos sa memorial center ay ang mga public park, wall of remembrance, museum building, amphitheater, Balay Bayani Young Heroes hub, creative hub, at ang library.

Inaasahang mag-uumpisa ang redevelopment plan ngayong taon at mapapabilang ito sa “Heritage Trail,” na maaaring puntahan ng mga QCitizen at turista kasama ang iba pang makasaysayang lugar sa lungsod.

Dumalo sa pulong sina Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, Parks Development and Administration Department head Ar. Red Avelino, at Giana Barata ng QC Tourism Department.

+2