Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mas papaigtingin ng Quezon City Government ang flood management program sa Barangay Amihan!
Ngayong Lunes, ipinakita ng QC Engineering Department kina Mayor Joy Belmonte at Amihan Chairperson Tok Chavez ang mga planong hakbang bilang tugon sa pagbaha sa Batino st.
Maglalagay ng concrete pipe at magtatayo ng multi-purpose building na may detension basin sa Amihan, na nakaayon sa QC Drainage Master Plan.
Kasama nina Mayor Joy at P/B Chavez sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.







