Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na tinugunan ng lokal na pamahalaan ang mga suliranin sa Barangay Bagbag ngayong umaga.
Kabilang sa mga idinulog ni Punong Barangay Rex Ambita kay Mayor Joy Belmonte ang pagsasaayos ng Bagbag Cemetery, pagtitiyak ng relokasyon ng mga nakatira sa danger zone, at pagsasaayos ng itinatayong barangay hall at iba pang imprastraktura.
Mahigpit na makikipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa barangay, para masolusyunan ang mga kinakaharap sa kanilang komunidad.
Dumalo rin sa kanilang pulong sina District 5 Action Officer William Bawag, City Engineer Atty. Dale Perral, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Atty. Jojo Conejero, at Chief of Staff Rowena Macatao.








