Bumisita si Punong Barangay Alex Cruz ng Barangay Bagumbayan sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte upang talakayin ang ilang priority infrastructure projects sa barangay.
Sinuring mabuti ni Mayor Joy ang mga proyekto na inaasahang makatutulong sa mga residente ng Bagumbayan.
Kasama sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, Action Officer Tommy De Castro, at Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz.


