Nanguna sa isang pulong si Mayor Joy Belmonte kasama si PB Francia Escandor ng Barangay Camp Aguinaldo upang talakayin ang ilang infrastructure project sa kanilang barangay.

Siniguro ng alkalde na sisikapin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang ilang hinaing ng barangay para sa mga residente nito.

Kasama sa meeting sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, City Engineer Atty. Dale Perral, City Librarian Mariza Chico, at ilang miyembro ng barangay council.