Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang plano ng lokal na pamahalaan para sa mga vendor na maaapektuhan ng rehabilitasyon ng Frisco Market.
Sa pulong kasama si Barangay Damayan Chairperson Florida Casaje, tiniyak ng alkalde na maglalaan ang lungsod ng pansamantalang area sa barangay kung saan puwedeng magtinda ang mga vendor.
Dumalo rin sa meeting sina City Engineer Atty. Dale Perral, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Market Development and Administration Department (MDAD) Head for Operations Col. Alex Alberto (Ret).