Agad na inaksyunan ni Mayor Joy Belmonte ang ilang suliranin na idinulog ngayong araw ng mga opisyal ng Barangay Dioquino Zobel.
Personal na sumangguni sa tanggapan ng alkalde ang barangay officials sa pangunguna ni Punong Barangay Judy Concepcion kasama si District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.
Nakiisa naman sa pulong si QC Housing Community Development and Resettlement Department acting Asst. Head Atty. Jojo Conejero upang bigyang-linaw ang mga isyu at hakbang na isasagawa ng pamahalaang lungsod sa mga ito.