Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na tinugunan ng lokal na pamahalaan ang mga suliranin ng Barangay Duyan-duyan ngayong Martes.
Sa pulong nina Mayor Joy Belmonte at Duyan-duyan chairperson Tina Monasterio, tiniyak ng alkalde na susuporta ang pamahalaang lungsod sa mga proyekto ng barangay, tulad ng rehabilitation ng kanilang barangay hall at pagsasaayos ng parking situation sa lansangan.
Bukod kay Mayor Joy, naroon din sa meeting sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro at City Legal Officer Atty. Carlo Austria.




