Binigyang katuparan ng Quezon City Government ang hiling ng Konseho ng Barangay Escopa IV na pagsasaayos ng kanilang multi-purpose hall na magagamit ng kanilang mga residente.

Personal na inilapit ito ni Escopa IV Chairperson Laila Arcega kay Mayor Joy Belmonte, na agad namang tinugunan ng alkalde.

Dumalo rin sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, at mga kinatawan ng City Engineering Department.