Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng Barangay Fairview sa pangunguna ni P/B Jose Arnel Quebal upang talakayin ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan para sa barangay.

Tiniyak ng alkalde ang maagap na tugon ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang pabahay para sa informal settler families.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 5 Action Officer William Bawag, at Atty. Jojo Conejero ng Housing Community Development and Resettlement Department.