Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong kay Mayor Joy Belmonte ang Konseho ng Barangay Gulod, sa pangunguna ni Punong-Barangay Rey Aldrin Tolentino, ngayong Lunes.
Kabilang sa pinag-usapan sa meeting ang pagpapalawig pa sa mga serbisyo para sa mga residente ng Gulod, partikular ang pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad sa komunidad.
Handa naman ang lokal na pamahalaan na sumuporta sa layunin ng barangay.






