Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tutugunan ng Quezon City Government ang ilan sa mga isyu na kinakaharap sa Barangay Horseshoe sa District 4.
Sa pulong ngayong Martes, binanggit ni Horseshoe Chairperson Greggan Madrigalejos kay Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin sa kanilang barangay patungkol sa pabahay at flood management.
Handa namang tumulong ang lokal na pamahalaan, para masolusyunan ang mga ito.
Bukod kay Mayor Joy at Kap Greggan, kasama ring dumalo sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Atty. Jojo Conejero, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.







