Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Barangay Kaligayahan P/B Alfredo Roxas upang talakayin ang dagdag na proyekto ng lokal na pamahalaan sa barangay.
Bahagi ng pulong ang rehabilitasyon ng COVAX building upang magkaroon ng sports facility, multi-purpose building, at pagsasaayos ng playground sa barangay.
Tinalakay din ang agarang solusyon upang maiwasan ang pagbaha dulot ng creek, ang pagpapatayo ng housing projects, at karagdagang park and open spaces sa komunidad.
Dumalo sa meeting sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, at District 5 Action Officer William Bawag.