Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Siniguro ng Quezon City Government na masosolusyunan ang mga suliranin na kinakaharap ng Barangay Kaligayahan.
Sa pulong nina Mayor Joy Belmonte at Kaligayahan Chairperson Freddy Roxas, tiniyak ng alkalde na tutugunan ng lungsod ang mga problema sa komunidad, kabilang ang pagpapatayo ng parke, at pagre-rehabilitate sa drainage system.
Kasama ng alkalde sa pulong sina District 5 Action Officer William Bawag, at City Engineer Atty. Dale Perral.






