Tinugunan ng Quezon City Government at ni Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin ng Barangay Kamuning, na inihayag ni Punong Barangay Armie Castel.

Kabilang dito ang pagsasaayos ng kanilang barangay hall at drainage system. Aalalay din ang lungsod sa mga pangangailangan ng mga senior citizen sa komunidad.

Kasama rin sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.