Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Barangay Krus na Ligas chairperson Renz Perdido ngayong hapon.
Kabilang sa kanilang tinalakay ang mga suliranin ng mga urban farmer ng Krunali, at ilang isyung kinakaharap ng barangay.
Nangako ang lokal na pamahalaan na susuporta at aalalay sa mga magsasaka para masolusyunan ang kanilang hinaing.
Mahigpit ding makikipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa barangay para matulungan sila sa kanilang mga isyu, partikular sa mga pasilidad.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, Housing and Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Atty. Jojo Conejero, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.








