Binigyang-solusyon ng lokal na pamahalaan ang mga suliranin na kinakaharap sa Barangay Masagana.
Kabilang dito ang parking facility ng kanilang multipurpose hall, karagdagang electric transformer, at pagsasaayos ng mini parks sa komunidad.
Ipinahayag naman ni Barangay Masagana Punong Barangay Juliet Liporada Ginete ang kanyang pasasalamat kay Mayor Joy Belmonte para sa walang sawang pagtugon ng lungsod sa lahat ng mga pangangailangan ng barangay.
Kasama rin sa meeting sina Coun. Wency Lagumbay, City Engineer Atty. Dale Perral, City Architect Department OIC Arch. Red Avelino, at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.