Agad na tinugunan ni Mayor Joy Belmonte ang mga problemang idinulog ngayong araw ng mga opisyal ng Barangay Milagrosa sa pangunguna ni P/B Alejandro Cuizon.
Bahagi ng pulong ang itatayong pabahay para sa mga residente ng barangay, ang pagsasaayos ng Barangay Hall, konstruksyon ng bagong parking space, at court.
Tinalakay din ang gagawing rehabilitasyon sa Project 4 Market at pag-convert ng bahagi nito bilang events place.
Dumalo rin sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Housing Community Development and Resettlement Department Acting Assistant Head Atty. Jojo Conejero, at City Market Administrator P/Col. Alex De Jesus Alberto.