Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong ang Quezon City Government sa konseho ng Barangay Milagrosa kahapon.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy itong susuporta sa mga proyekto ng barangay, tulad ng pagsasaayos ng kanilang barangay hall, parke, at basketball court.
Tutulong din ang lungsod sa pagbibigay ng katiyakan sa paninirahan sa informal settler families ng barangay.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa pulong kasama sina City Engineer Atty. Dale Perral, at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.










