Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nitong People’s Day, tinugunan ni Mayor Joy Belmonte ang mga idinulog na proyekto ng mga kapitan mula sa Barangay Kaunlaran, San Bartolome, at Ramon Magsaysay.
Tinalakay ang iba-ibang proyekto tulad ng rehabilitasyon ng barangay hall, ulat sa flood control projects, programang pabahay, at pagsasaayos ng dangling wires sa komunidad.
Dumalo sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao, District Action Officers Ollie Belmonte, Atty. Zandy Zacate, City Engineer Atty. Dale Perral, mga punong barangay Don Cheng, Rizza Pascual, at Cesar Dionisio.








