Idinulog ni Brgy. Sacred Heart Punong Barangay Camille Malig-David kay Mayor Joy Belmonte ang suliranin ng ilan sa mga residente na kanyang nasasakupan.

Pinag-usapan din nila ang pagtatayo ng day care center at youth center sa Brgy. Sacred Heart. Maging ang proyektong pabahay at financial assistance sa mga QCitizens na naninirahan sa barangay.

Kasama sa pulong sina City Engineering head Atty. Dale Perral, at City Legal head Atty. Carlo Austria.