Agad na tinugunan ng Quezon City Government ang ilan sa mga suliranin na kinakaharap sa Barangay Santol.

Ilan sa mga inilapit ni Bgy. Santol Chairperson Anacleto De Torres kay Mayor Joy Belmonte ay ang pagsasaayos ng covered court ng barangay, pagdadagdag ng streetlights, at pagbibigay ng permit sa ilang hawker at vendor sa kanilang komunidad.

Agad naman itong binigyang-solusyon ng alkalde, sa tulong na rin nina Assistant City Administrator Don Javillonar, Distict 4 Action Officer Al Flores, Market Development and Administration Department (MDAD) Action Officer for Operations PCol. Alex Alberto, mga kinatawan ng City Engineering Department, at Parks Development and Administration Department (PDAD).

+8