Dininig ni Mayor Joy Belmonte ang mga suhesyon ng Barangay Silangan council na pinangunahan ni P/B Sonny Villarba ngayong Araw ng mga Mamamayan sa Distrito 3.
Nais ng konseho na magkaroon ng bagong barangay hall at magdagdag ng opisina para sa social services na tutugon sa mga residente.
Inaprubahan din ng alkalde ang dagdag na signages at street markers para sa ipinatutupad na one side parking at ang paglalagay ng barbed wire sa mga creek bilang dagdag seguridad sa barangay.