Tinugunan ng Quezon City Government ang ilan sa mga problema na kinakaharap sa Barangay South Triangle.
Sa kanyang pagbisita sa QC Hall kaninang umaga, inilahad ni South Triangle Chairperson Beverly Gaw kay Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin sa kanilang barangay partikular sa street lights.
Aayusin at papalitan ng mas bago at energy efficient ang mga luma at sirang street lights sa kanilang komunidad.