Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong kay Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng Barangay South Triangle.
Ipinahayag ni Bgy. South Triangle Chairperson Beverly Gaw ang ilan sa mga kinakailangang pasilidad para sa kanilang komunidad, partikular sa paglalagay ng karagdagang streetlights, pagsasaayos ng drainage system, at rehabilitation at renovation ng kanilang barangay hall.
Kasama ni Mayor Joy at P/B Beverly sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.






