Agad na binigyang-solusyon ng Quezon City Government ang mga suliranin na kinakaharap ng Barangay Tagumpay sa District 3.
Kabilang sa mga ito ang relocation at permanenteng tahanan para sa mahigit 30 QCitizen families na nakatira sa danger zone, at paglilipat sa daycare center na madalas naaapektuhan ng pagbaha.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa pulong ngayong hapon sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Chief Atty. Jojo Conejero, mga kinatawan ng Department of Engineering, at konseho ng Barangay Tagumpay sa pangunguna ni Punong-barangay Ventura Ferreras Jr.