Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang mga hinaing ng mga opisyal ng Brgy. Tandang Sora na pinamumunuan ni Punong Barangay Marlou Ulanday.
Tinalakay nila kung paano mabibigyang solusyon ang tumataas na kaso ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa barangay.
Pinaplano rin ang pagkakaroon ng karagdagang day care para sa mga residente ng Brgy. Tandang Sora.
Pinag-usapan din ang drainage plan bilang solusyon sa suliranin sa pag-baha tuwing malakas ang ulan.