Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isinangguni ng Konseho ng Barangay UP Campus, sa pangunguna ni chairperson Bong Mappala, kay Mayor Joy Belmonte ang ilan sa mga suliranin ng kanilang komunidad.
Kabilang sa mga ito ang pagsasaayos ng drainage system at pag-aaspalto sa ilang kalye.
Handa ang pamahalaang lungsod na umalalay sa barangay, para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente.
Dumalo rin sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, City Legal Officer Atty. Carlo Austria at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.








