Agarang solusyon ang sagot ni Mayor Joy Belmonte sa mga problemang inihayag ng mga opisyal ng Barangay Valencia sa pangunguna ni P/B Julie Salmingo ngayong araw.

Natalakay sa pulong ang pagsasaayos ng bakanteng lote upang gawing parke, pagpapalawig ng urban farm ng barangay, pagsasaayos ng tulay at daloy ng trapiko, at dagdag na CCTV units.

Dumalo rin sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, Parks Development and Administration Department OIC Ar. Red Avelino, City Engineer Atty. Dale Perral, at kinatawan ng Housing Community Development And Resettlement Department.