Lubos na nagpasalamat si Barangay West Kamias Chairperson Dondon Dacones kay Mayor Joy Belmonte at sa Quezon City Government para sa bago nilang barangay hall.

Ang bago nilang barangay hall ay mas malawak, mas maayos, at mas maaliwalas na kaysa sa dati.

Ipinahayag naman ni Mayor Joy na handa ang lokal na pamahalaan na magbigay ng anumang suporta sa barangay, para sa mas mabuting serbisyo at mas matiyak ang kapakanan ng mga QCitizen.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong ngayong hapon sina City Legal Officer Atty. Carlo Austria, City Engineer Atty. Dale Perral, at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.