Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Bayi Inc. at Liwanag ng Masilaw para ipakilala ang Safe City App kung saan maaaring mag-report ang sinumang nakaranas ng sexual harassment o anumang uri ng Violence Against Women and Children.
Ang mga biktima ay maaaring magreport anonymously, maaari ding makita sa mapa nito kung saan at ilan ang pinakamaraming kaso ng harassment sa lungsod.
Kasama sa pagpupulong sina Ms. Janet Oviedo ng Gender and Development Council; Bayi, Inc. Executive Director Ms. Maya Tamayo, at Ms. Menchie Mizuno ng Liwanag ng Masilaw, Inc.