Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina Dr. Elvira L. Henares-Esguerra at Nona D. Andaya-Castillo ng Breastfeeding Philippines ngayong umaga.
Layon ng pagpupulong na palakasin pa ang kampanya para maisulong ang kahalagahan ng breastfeeding para sa mga bata.
Nakakatulong ang breastfeeding sa overall development at paglaki ng mga bata para maging matalino at malusog.
Kasama din ni Mayor Joy sa meeting si QC Health Department (QCHD) OIC Dr. Ramona Abarquez at mga kinatawan ng QC General Hospital Human Milk Bank.








