Malapit nang maging sustainable at eco-friendly ang mga gusali sa lungsod, sa tulong ng Enhanced Green Building Code of Quezon City.
Ibinahagi ng Department of Building Official (DBO), sa pakikipagtulungan sa C40 Cities, kay Mayor Joy Belmonte ang lalamanin ng Enhanced Green Building Code.
Sa ilalim ng proposed ordinance, titiyakin na ang mga itatayong building at ire-renovate na establisyimento ay environment-friendly at naaayon sa international standards para mabawasan ang carbon emissions.
Kapag eco-friendly na ang mga gusali, mas makakatipid ang mga QCitizen dahil mas mababa ang konsumo nito sa kuryente at iba pang utilities.
Naroon din sa pulong sina Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, Building Official Engr. Isagani Versoza, at mga kinatawan ng C40 Cities.