Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Makikipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod Quezon sa Caritas Philippines matapos ang pulong nina Mayor Joy Belmonte at Executive Director Fr. Tito Caluag.
Bahagi ng pulong ang pagpapaunlad ng mga programa ng lungsod tulad ng scholarship grants, at pagsasaayos ng mga kooperatiba, at kampanya laban sa human trafficking.
Pinag-usapan din ang Mayors for Good Governance at ang patuloy na panawagan upang mapanagot ang mga may kinalaman sa kurapsyon sa flood control projects.
Kasama sa pulong si City Engineer Atty. Dale Perral.





