Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magtutulungan ang Quezon City Government at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) para kilalanin ang kahusayan ng mga anak ng OFW!
Ngayong Lunes, nag-usap ang lokal na pamahalaan at CBCP-ECMI para i-localize ang CBCP-ECMI Gawad Anak OFW – TOSDOSA (Ten Outstanding Sons and Daughters of OFW) Awards, na kumikilala sa mahuhusay at natatanging anak ng mga OFW.
Handa rin ang CBCP-ECMI na makipagtulungan sa lungsod para masiguro ang kapakanan ng mga mag-
aaral sa mga pampublikong paaralan.









