Nakipagpulong kay Mayor Joy Belmonte ang Claretian Missionaries, sa pangunguna ng kanilang Provincial Econome na si Fr. Dennis Tamayo.
Nais ng simbahan na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para makapagbigay ng libreng edukasyon sa mga kabataan at mga mamamayan na nais mag-aral sa Barangay Culiat.
Ipinahayag din nila ang kanilang pagnanais na magtayo sila ng columbarium and mortuary sa kanilang compound.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina District 4 Coun. Irene Belmonte, Zoning Administration Unit Officer-in-Charge Mike Velasco, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at mga kinatawan mula sa Department of Building Official.