Nanguna si Mayor Joy Belmonte sa isang pulong kasama ang mga kinatawan ng Clean Air Asia upang talakayin ang class suspension guidelines dulot ng air pollution sa lungsod.

Ipinaliwanag ng Clean Air Asia kung ano ang mga maaaring maging basehan ng pagkansela ng klase sa QC dulot ng air pollution. Posible kasing mapanganib ito sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na ang nabibilang sa vulnerable sector tulad ng mga kabataan at senior citizens.

Sa tulong ng air quality sensors, napag-aaralan ng QC ang mga datos ukol sa kalidad ng hangin. Nakatutulong ang mga ito sa anumang aksyon ng pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan ng QCitizens.

Kabilang sa pulong sina QC Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman at QC Education Affairs Unit chief Maricris Veloso.