Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong kasama si Atty. Khristian Jeff C. Episcope, Regional Director ng Commission on Human Rights – National Capital Region (CHR–NCR), upang talakayin ang mga inisyatiba sa pagsusulong ng karapatang pantao at maideklara ang QC bilang “Human Rights City”.
Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng mas pinaigting na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga ahensya upang matiyak ang proteksyon at respeto sa karapatan ng bawat QCitizen.
Nakiisa rin sa pulong sina City Legal Officer Atty. Carlo Austria at Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz.










