Sa layuning matulungang umunlad ang bawat kababaihan sa Lungsod Quezon, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa Connected Women at Aboitiz Foundation para sa kanilang Elevate AIDA program.
Ang elevate AIDA (Artificial Intelligence Data Annotation) program ay layong magturo sa mga kababihan sa paggamit ng AI-based technology at social media platforms upang sila ay maging skilled tech workers.
Target ng naturang program na mag train ng 300,000 na kababaihan hanggang sa taong 2025.
Kasama ng Alkalde sa pagpupulong sina Connected Women CEO Agnes Gervacio, GAD TWG Head Janet Oviedo, at Aboitiz Foundation Program Manager Gero Torres.