Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong kasama sina Asec. Luz Yringco ng Cooperative Development Authority (CDA) at Regional Director Pedro Defensor, Jr. upang talakayin ang pagtulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng agriculture cooperatives.
Layunin ng inisyatiba na tulungan ang mga magsasaka na maging agri-entrepreneurs upang higit na mapalakas ang kanilang kabuhayan at kontribusyon sa lokal na ekonomiya.
Kasama rin sa pulong si Mona Celine Yap, hepe ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.








