Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang mga planong programa ni Coun. Sami Neri kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK).

Tinalakay nila ang mga proyekto para sa mga kabataan katulad ng learning academy, pagkakaroon ng youth development council, at “linggo ng kabataan.”

Pinag-usapan din ang pagbisita ng mga kabataang QCitizen sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Prinsesa upang malaman ang best practices ng lungsod at kung paano ito maisasagawa sa Quezon City.

Dumalo rin sa pulong ang mga myembro ng Youth Development Council at QC Youth Development Office.