QC GOV’T DENR
Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center (NAPWC).
Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte si DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga.
Pinag-usapan ang proyektong Elevated Promenade Bridge ng lungsod na layong ikonekta ang Quezon Memorial Circle (QMC) sa NAPWC.
Suportado ni DENR Sec. Loyzaga ang 1 Million Trees Initiative ng lungsod na layong makapagtanim ng 1 milyong puno sa QC sa 2028.
Kasama sa pulong ang mga ginagawang green and open spaces sa QC tulad ng QMC at ang Balara Filters Park.
Dumalo rin sina City Engineer Atty. Dale Perral, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, Parks Development and Administration Department head Ar. Red Avelino, Housing Community Development and Resettlement Department head Atty. Jojo Conejero, Urban Planner Ar. Paulo Alcazaren at mga opisyal ng DENR.