Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Department of Environment and Natural Resources Sec. Raphael Lotilla sa tanggapan ng DENR sa Visayas Ave. kaninang umaga.
Ito ay para talakayin at tuklasin ang mga posibleng maging kolaborasyon ng Quezon City sa Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilience and Environmental Sustainability through Multistakeholder Engagement) ng DENR.
Tatlong pangunahing inisyatibo ang natukoy na maaaring ipatupad sa ilalim ng Project TRANSFORM. Ito ay ang mga programa ng QC patungkol sa Waste Management, Urban Greening of Open Spaces at Solarization.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina DENR Usec. Marilou Erni, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) head, Andrea Villaroman, City Engineer Atty. Dale Perral, at City Architect Ar. Red Avelino.








