Bumisita sa Quezon City Hall si Department of Foreign Affairs Assistant Secretary at Ambassador-designate to the State of Israel Aileen Mendiola-Rau ngayong araw.
Inalam ni Asec. Rau kung paano makakatulong ang Israel sa Quezon City at sa mga mamamayan ng lungsod.
Ibinahagi nina Mayor Joy Belmonte at City Administrator Mike Alimurung ang mga sektor na nais pang mapaunlad ng lungsod tulad ng teknolohiya, food security, at agriculture.


