Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga kawani ng Department of Health – Knowledge Management and Information Technology Service (DOH-KMITS) upang talakayin ang best practices ng Quezon City Health Department (QCHD).
Inihayag nina Mayor Joy at QCHD OIC Dr. Ramona Abarquez ang mga programa ng lungsod na nagsusulong ng iba-ibang serbisyong medikal para sa QCitizens.
Nais ng DOH-KMITS na ibahagi ang health services and programs ng lungsod sa iba pang mga lokal na pamahalaan sa bansa.