Tinalakay nina Mayor Joy Belmonte at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar ang mga proyekto ng Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino (4PH) program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Lungsod Quezon.
Prayoridad ni Mayor Joy na mabigyan ng katiyakan sa paninirahan ang mga QCitizens upang masiguro ang kanilang kapakanan sa lungsod.
Bukas ang aplikasyon ng 4PH para sa informal settler families, minimum wage earners, government employees, at mga overseas Filipino workers.